^

Bansa

Civil service sa Pinas ibinandera ni Nograles sa Global Government Summit sa Singapore

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Civil service sa Pinas ibinandera ni Nograles sa Global Government Summit sa Singapore
Ang Singapore Go­vernment ang tumayong host sa nasabing two-day event, na inorganisa naman ng Global Go­vernment Forum nitong nakaraang Pebrero 1 at 2, 2023 kung saan tinalakay ang mga hamon na kinakaharap sa kasalukuyan ng civil service sa buong panig ng mundo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ibinandera ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles ang husay ng civil service sa Pilipinas matapos itong makiisa sa global senior government officials sa kaniyang pagdalo sa Global Government Summit (GGS) na idinaos sa Singapore sa unang bahagi ng buwang ito.

Ang Singapore Go­vernment ang tumayong host sa nasabing two-day event, na inorganisa naman ng Global Go­vernment Forum nitong nakaraang Pebrero 1 at 2, 2023 kung saan tinalakay ang mga hamon na kinakaharap sa kasalukuyan ng civil service sa buong panig ng mundo.

Sa pamamagitan ng GGS, nabigyan ng confidential at informal space ang mga kalahok para sa malaya nilang pagtalakay sa iba’t ibang pananaw, karanasan, natamong tagumpay at maging kamalian, gayundin ang mas higit na mapag-aralan ang maaaring solusyon sa aspeto ng pagiging lingkod bayan.

Bukod sa aktibong paglahok sa global forum na ito, mayroon ding naganap na bilateral meeting sa pagitan nina Singapore Civil Service head Leo Yip noong Miyerkules, Pebrero 1 at natalakay dito kung ano ang tungkulin at mandato ng kani-kanilang ahensiyang pinamumunuan.

Napag-usapan din nina Nograles at Yip ang iba pang posibleng magiging pagtutulungan at oportunidad sa pagitan ng Singapore at Pilipinas lalo na sa larangan ng digitization dala ng makabagong teknolohiya.

vuukle comment

CSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with