^

Bansa

Pangulong Marcos bumisita sa burol ni Ranara, tulong sa pamilya tiniyak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na binisita ka­hapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang burol ng OFW na si Jullebee Ranara na pinatay sa Kuwait ng anak ng kanyang amo.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na nagpahatid siya ng kanyang pakikidalamhati at nangako ng tulong sa pamilya.

Ipinangako ng Pa­ngulo sa pamilya ni Ra­nara na ang gobyerno na lamang ang magtutuloy ng pangarap nito para sa kanila na dahilan kaya ito nagtrabaho sa ibang bansa.

Tiniyak din ni Marcos na lahat ng tulong na kakailanganin ng pamilya ay ibibigay ng gobyerno.

“I just want to offer my sympathies to the family. And to assure them that all the assistance that they might need for the family... ang pangako ko sa kanila kaya naman nag sakripisyo ang anak nila na mag trabaho sa abroad ay dahil may mga pangarap siya para sa kanyang pamilya. Sinabi ko, nung nawala na ‘yung anak niyo, kami na lang ang tumupad ng pangarap... lahat ng assistance na pwedeng naming ibigay, ibibigay namin,” ani Marcos.

Nakasama ni Marcos sa pagbisita sa burol sina Senator Mark Villar, kapatid nito na si Rep. Camille Villar ay Secretary Toots Ople.

“I assure them and together with Congresswoman [Camille] and Senator Mark Villar and Secretary Toots Ople, we have assured the family that we will attend to all their needs,” ani Marcos.

Sinabi rin ng Pangulo na may scholarship ding ibibigay ang gobyerno sa mga anak ng pinaslang na OFW.

Samantala, kinumpirma ni Marcos na may itinatakda ng bilateral meetings sa gobyerno ng Kuwait upang tingnan kung mayroong kahinaan ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa mga nagta-trabahong OFWs.

“On the other side of it, we are also schedu­ling bilateral meetings with Kuwait to look at the agreement that we have to see if there are weaknesses in the agreement that allow this to happen and to make sure that those weaknesses are remedied so that the agreement is stronger and does not, will be more supportive of our workers and furthermore that we hope this will not happen again to anyone of our countrymen,” ani Marcos.

 

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with