^

Bansa

Pamimigay ng P1K pension sa indigent seniors, pinuri

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes ang pagsisimula ngayong buwan ng pagbibigay ng dagdag na P500 buwanang social pension sa mga mahihirap na senior citizens para tumaas ito sa P1,000 kada buwan.

Reaksyon ito ni Ordanes sa inanunsiyo ni Sen. Sonny Angara na inendorso nila sa Senado ang P50 bilyong pondo para sa dagdag-pensyon ng tinata­yang 4.1 milyong senior citizens.

Ayon sa chairman ng Senate Committee on Finance, nakapaloob sa P5.268 trilyon sa 2023 national budget ang karagdagang pensyon.

Magugunita na isinulong ni Ordanes, bilang chairman ng House Special Committee on Senior Citizens, sa Mababang Kapulungan ang panukala para madoble ang buwanang pensyon ng mga mahihirap na nakakatanda sa bansa.

Ipinaglaban din niya na mapondohan sa 2023 national budget ang RA 11916 o ang Social Pension Act na naging batas noong Hulyo 2022.

“Napapanahon ang karagdagang pensyon sa ­ating mahihirap na lolo at lola dahil makakatulong ito sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa kanilang mga gamot” ani Ordanes.

Sinabi pa ng mambabatas, ang dagdag na pensyon ay munting paraan ng pagpapahalaga at pagkilala sa mga naiambag sa lipunan ng mga nakakatanda.

Sa ngayon, isinusulong naman ni Ordanes ang panukala niya na ‘Universal Social Pension Program for All Senior Citizens’ na ang layon ay magkaroon ng pensyon ang lahat ng nasa edad 60 pataas anuman ang katayuan nila sa buhay.

 

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with