7 Chinese at barko na nasagip ng PCG, iniimbestigahan
MANILA, Philippines — Hindi pa kumpirmado kung talagang mga mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) at kung may nilabag sa batas ng Pilipinas ang barko na na-stranded sa Suluan Island sa Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PCG, nagsasagawa pa sila ng beripikasyon sa pagkilanlan ng pito, na pawang hindi naman umano makuhanan ng impormasyon.
Katuwang ng PCG ang Bureau of Quarantine (BOQ), Bureau of Immigration (BI) , at Bureau of Customs (BOC) sa boarding procedure at documentary verification.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armando Balilo na inaalam pa nila kung bakit nasa Philippine water ang barko gayung wala naman umanong mga gamit sa pangingisda na nakita.
Gayunman, hanggat hindi pa tapos ang beripikasyon, hindi pa aniya masasabi kung nagtago o nakisilong lang ang mga sinasabing mangingisda sanhi ng ‘force majeure’.
Maging ang “FV Kai Da 899” na sinakyan ng mga mangingisda ay patuloy pang biniberipika.
- Latest