^

Bansa

Search and rescue sa nawawalang Cessna, puspusan na

Doris Franche, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puspusan na ang search and rescue sa anim na sakay ng Cessna plane na naiulat na nawawala nang bumagsak ito kamakalawa sa Cauayan, Isabela.

Nakilala ang mga ito na sina Captain Eleazar Mark Joven, pilot ng Cessna RPC 1174 at mga pasahero na sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra, at Josefa Perla España.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, bandang alas 3:17 ng hapon nitong Martes nang makatanggap sila ng report na hindi dumating sa Maconacon airport ang C206 Plane na RPC1174. Inaasahang 2:45 ang dating ng Cessna plane sa Maconacon airport.

Umalis ito ng Cauayan Airport dakong alas-2:15 ng hapon at huling nakontak ng air traffic controller ng 2:19 ng hapon na nasa bisinidad ng Naguillian Bridge.

Sa pahayag naman ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) maayos naman ang panahon ng umalis ang eroplano sa Cauayan Airport kaya posibleng turbulence o hangin sa bahagi ng Sierra Madre ang nakikitang dahilan ng pagbagsak.

vuukle comment

CESSNA PLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with