^

Bansa

COVID-19 wala na sa 'Top 10 causes of death' sa Pilipinas; DOH nagalak

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 wala na sa 'Top 10 causes of death' sa Pilipinas; DOH nagalak
People try to catch lai see (red envelope) and goodies being thrown by employees of a grocery store during lunar new year celebrations in the Chinatown area of Manila on January 22, 2023.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Wala na ang COVID-19 sa listahan ng 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2022, bagay na patunay raw na "kaonti na lang" ang nasasawi rito sa bansa, sabi ng Department of Health (DOH).

Ito ang tugon ng Kagawaran ng Kalusugan, Miyerkules, sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pang-11 na lang ang nakamamatay na virus sa listahan sa ngayon. Pangatlo kasi ito noong 2021, bagay na iniulat lang noong nakaraang taon.

"Ito ay isang magandang balita para sa atin kasi noong mga nakaraang taon, especially noong 2021, talagang nakita natin na ang COVID-19 deaths ay naging no. 3 cause of death dito sa ating bansa," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Miyerkules, sa isang media forum.

"And that signifies na kakaonti na lang ang mga namamatay from COVID dito sa ating bansa, and we are able to prevent already further deaths because of this disease."

Bumalik naman na raw sa "dating trend" ang common causes ng Filipino mortality kung titignan ang listahan ng PSA, as of October 2022:

  1. ischaemic heart diseases (atake sa puso)
  2. cerebrovascular diseases (stroke)
  3. neoplasms (cancer)
  4. diabetes mellitus
  5. hypertensive disease
  6. pneumonia
  7. iba pang sakit sa puso
  8. chronic lower respiratory diseases
  9. iba pang sakit ng genitourinary system
  10. respiratory tuberculosis

Pang-11 ang "COVID-19 virus identified" (9,749) sa naturang talaan habang nasa pang-19 naman ang "COVID-19 virus not identified" (4,134).

"So ito pong top five causes of death are all non-communicable diseases (hindi nakahahawa)," dagdag pa ni Vergeire kanina.

"Kaya po tayo ngayon, very strong po ang programa ng Kagawaran ng Kalusugan sa ating healthy behaviors and healthy lifestyle para maturuan natin ang ating mga kababayan para ma-prevent at ma-avoid natin ang ganitong mga klase ng preventable naman na pwedeng ikamatay ng ating mga kababayan."

Umaabot na sa 65,726 katao ang namamatay ngayon sa COVID-19 sa Pilipinas mula sa mahigit 4.07 milyong nahawaan nito simula pa noong 2020.

Sumunod sa COVID-19 bilang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino ang "iba pang external causes," disgrasya sa kalsada, sakit sa atay, atbp.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with