^

Bansa

Pangulong Marcos, lilimitahan ang biyahe ngayong 2023

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang bilang ng mga biyahe sa ibang bansa ngayong taon.

“Yung mga biyahe medyo babawasan na namin for the rest of the year,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, kailangan nilang balikan lahat ng mga nasimulan sa ASEAN, APEC, China at EU sa Brussels, habang ang biyahe niya sa Davos, Switzerland ay kailangang idetalye ang mga pinag-usapan.

“Pero at least mayroon kaming naiuuwi. Ngayon kailangan na natin i-consolidate, kailangan na natin i-follow up, kukulitin na natin ‘yung mga kausap natin, ‘O ‘yung pinag-usapan natin ituloy na natin ang usapan.’ Nasa sa atin talaga ‘yun?” ani Marcos.

Aminado rin si Marcos na mauuwi sa wala ang mga naging biyahe sa ibang bansa kung saan nakakuha sila ng maraming “memorandum of understanding” kung pababayaan lamang ang mga ito.

Ilang beses nang nababatikos si Marcos dahil sa rami ng biyahe sa labas ng bansa buhat noong maupong Pangulo.

Giit ni Sen. Risa Hontiveros, maaaring laging mayroong benepisyo ang pagbiyahe ng Pangulo sa abroad at hindi ito matatawaran, subalit parang sobra ang walong beses na pagbiyahe ni Marcos sa abroad sa loob ng pitong buwan ng kanyang panunungkulan.

Mula ng maupo si Marcos noong Hulyo ay bumiyahe siya sa Indonesia, Singapore, Estados Unidos, Cambodia, Belgium, China at ang pinakahuli ay nitong Enero sa Switzerland. — Gemma Garcia

 

Related video:

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with