^

Bansa

DOH mino-monitor 89 close contacts ng COVID-19 positive Pinoys mula Tsina

James Relativo - Philstar.com
DOH mino-monitor 89 close contacts ng COVID-19 positive Pinoys mula Tsina
Passengers wait for information about their flights at terminal 3 of Ninoy Aquino International Airport in Pasay, Metro Manila on January 1, 2023. Thousands of travellers were stranded at Philippine airports on January 1 after a "loss of communication" at the country's busiest hub in Manila forced hundreds of flights to be cancelled, delayed or diverted.
AFP/Kevin Tristan Espiritu

MANILA, Philippines — Halos 90 katao ang tinukoy ng Department of Health (DOH) bilang close contacts ng walong Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 matapos manggaling sa Tsina nitong Disyembre.

Ito ang ibinalita ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Biyernes, habang epektibo ang "heightened surveillance" ng gobyerno sa lahat ng travelers galing sa ibang bansa, lalo na sa mga manggagaling sa Tsina.

Matatandaang labis na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Beijing kamakailan.

Kasama sa mga flights kung saan nakakita ng 

  • unang flight: 18 foreigners, isang Pilipino
  • ikalawang flight: 16 foreigners, pitong Pilipino
  • ikatlong flight: 27 Pilipino
  • ikaapat na flight: 12 foreigners, walong Pilipino

Lahat ng contacts sa una, ikalawa at ikaapat na flight ay hindi pa nakikitaan ng sintomas ng COVID-19. Sa kabila nito, merong hindi bakunado at "partially vaccinated" lang sa mga nabanggit.

Bagama't lahat ng nasa ikatlong flight ay bakunado, isa sa kanila ang nakitaan ngayon ng sintomas ng nakamamatay na sakit. 

"So lahat po ng close contacts [na] ito ay all under monitoring. They are going to be monitored every day until the time na tapos na po ang ating protocol for monitoring," wika ni DOH 

"'Yun pong isa pong [may] sintomas ay sinubject na sa testing at currently isolated until we can get the results of the test."

Huwebes lang nang sabihin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na "watch and wait" muna siya pagdating sa COVID-19 situation sa Tsina, ito habang idinidiing magpapatupad ang kanyang gobyerno ng science-based approach pagdating sa travel restrictions.

Una nang sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na ayaw muna nilang patawan ang Beijing ng karagdagang travel restrictions bunsod ng panibagong COVID-19 surge doon, ito habang binabalanse ng bansa ang kapakanan ng ekonomiya at kalusugan.

Kasalukuyang nasa 4.06 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na ito, pumanaw na ang 65,451 katao.

vuukle comment

CHINA

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with