^

Bansa

LPA 'papasok ng PAR mamaya,' posible maging ika-18 bagyo ng 2022

James Relativo - Philstar.com
LPA 'papasok ng PAR mamaya,' posible maging ika-18 bagyo ng 2022
Ipinakikita ni DOST-PAGASA Weather Specialist Benison Estareja ang posibleng track ng paparating na low pressure area, ika-8 ng Disyembre, na posible raw maging ika-18 bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility
Video grab mula sa Facebook page ng PAGASA

MANILA, Philippines — Isang low pressure area ang tinatayang papasok ng Philippine Area of Responsibility ngayong Huwebes, bagay na magpapaulan sa malaking Visayas at Mindanao.

Bandang 3 a.m. nang mamataan ito 1,265 kilometro silangan ng Mindanao, ayon sa weather forecast ng PAGASA. 

Hindi pa ito direktang nakaaapekto sa bansa, ngunit ang malawak na extension nito (trough) ay nagpapaulan na sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao at Bikol.

"This low pressure area ay maaaring mag-move towards Eastern Visayas and Bicol Region area," ani PAGASA weather specialist Benison Estareja kanina.

"So inaasahan po ngayong araw, papasok itong low pressure area ng ating Philippine Area of Responsibility. Then bukas, lalapit ito sa mga rehiyon ng CARAGA and Eastern Visayas."

Sinasabing magiging "close approach" ito.

Sa parating na weekend, lalapit din daw ito sa may Eastern Visayas, Bicol Region at ilang bahagi po ng Southern Luzon. Hanggang early next week, inaasahang nasa silangan na ito ng Luzon.

"Moderate chance or katamtaman ang tyansa na ito'y magiging isang bagyo. So ang ibig sabihin po, sa mga susunod na araw, may tyansa na magiging bagyo ito or tropical cyclone," dagdag pa ni Estareja.

"Kung saka-sakali po, letter 'R' na tayo or papangalanan natin ito na 'Rosal.' Panglabingwalong bagyo for this 22 at una for the month of December."

Ika-1 ng Disyembre lang nang sabihin ng state meteorologists na dalawang bagyo pa ang inaasahang papasok ng PAR bago magtapos ang 2022..

Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, mas mataas ang tiyansang mag-landfall ang mga bagyo sa buwang ito, na maaari rin daw magbunga ng typhoon at super typhoons.

vuukle comment

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

TROPICAL CYCLONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with