^

Bansa

Pag-abuso sa RA11709 ng PMAers, kinuwestiyon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pag-abuso sa RA11709 ng PMAers, kinuwestiyon
Photo shows Melchor Hall in Philippine Military Academy.
Wikimedia Commons / Ramiltibayan

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng ilang miyembro ng militar ang umano’y pang-aabuso ng ilang Philippine Military Academy (PMA) graduates sa batas na nagtatakda ng permanenteng termino sa mga piling opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pahayag ng isang source sa militar, ginagamit umano ng iilang PMAers ang Republic Act 11709 para sa kanilang sariling interes na ngayon ay nagdudulot ng demoralisasyon sa hanay ng AFP.

Inaabuso umano ng ilang PMAers ang probisyon ng batas na nagtatakda ng three year fixed term sa mga opisyal na nakaabot sa ranggong brigadier general pataas.

Ang masaklap, may ilan din umano ang naghaha­ngad sa pinakamataas na pwesto sa AFP na kasaluku­yang hawak ni Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, isang Medal for Valor awardee at kauna-unahang AFP chief of staff na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Isa ang AFP chief of staff sa mga posisyong sakop ng three-year fixed term ng RA11709.

Kung hindi aabusuhin, maganda ang layunin ng RA 11709 na mas palakasin ang professionalism at i-promote ang continuity sa AFP.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with