^

Bansa

PWDs isasama na sa cash-for-work ng DSWD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
PWDs isasama na sa cash-for-work ng DSWD
“Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” ani Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” sa Pilillam, Rizal kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities.
Photo by Charles on Unsplash

MANILA, Philippines —  Isasama na ng Department of Social Welfare and Development ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Cash-For-Work program ng DSWD, ayon kay Secretary Erwin Tulfo.

“Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” ani Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” sa Pilillam, Rizal kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities.

Ani Tulfo, kadalasang napag-iiwanan o nakakalimutan ng lipunan ang mga may kapansanan.

Utos aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tulungan at alagaan ang PWDs.

Sa pamamagitan ng paglahok ng PWDs sa iba’t ibang community services, maari silang tumanggap ng hanggang P4,000 cash assistance.

Sa isang media briefing, sinabi ni Tulfo na kahit wala pa sa kasalukuyang budget ng DSWD, maa­ring kunin ang pondo mula sa iba pang mga programa ng ahensya tulad ng KALAHI-CIDSS Kapit Bisig Laban sa Kahirapan at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Aapela aniya siya sa Kongreso para sa buwanang kompensasyon ng PWDs.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with