^

Bansa

Driver ng EDSA Busway carousel na naniningil ng pasahe, binalaan ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Driver ng EDSA Busway carousel na naniningil ng pasahe, binalaan ng LTFRB
Commuters wait in long queues for a "Libreng Sakay" by the Department of Transportation at the EDSA Carousel Bus Station along Main Avenue.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na paparusahan at pagmumultahin ang sinumang driver na mapapatunayang naniningil pa rin ng pasahe sa mga pasahero ng EDSA Busway carousel.

Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB nang makarating ang sumbong sa ahensiya na mayroon pa ring naniningil na driver bagamat 24 oras na libre ang pagsakay dito ng publiko sa buong buwan ng Disyembre.

Ayon sa LTFRB, pinaiimbestigahan na ng tanggapan ang naturang ulat.

Nanawagan din ang LTFRB sa mga commuters na isumbong agad sa ahensiya ang mga ganitong insidente upang mapanagot ang mga driver na patuloy na nagsasamantala sa kanilang mga pasahero.

Una nang inanunsyo ng LTFRB na sa buong Disyembre ngayong taon ay 24/7 libre ang sakay sa EDSA Busway Carousel upang mabawasan ang gastusin ng publiko ngayong holiday season.

May naipakalat na ring mga elemento ng LTFRB at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa bawat istasyon ng EDSA Busway para pangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero at malaman ang mga lugar na may mataas na demand sa sasakyan para madagdagan ang bilang ng mga unit na magsasakay sa mga pasahero.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with