^

Bansa

Napatay na NDF consultant ‘utak’ ng pagtaas ng krimen sa Negros Island - AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinulgar nitong Sabado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang napatay na National Democratic Front (NDF) Consultant ang “utak” umano sa pagtaas ng krimen sa Negros Island.

Si Ericson Acosta at isa pang kasamahan nito na si Joseph Jimenez ay napatay sa engkuwentro sa tropa ng Army’s 94th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental noong Nobyembre 30.

Ayon kay Col. Medel Aguilar, acting AFP spokesman, taliwas sa pinalulutang ng makakaliwang grupo na isang lamang makatang manunula si Acosta, ito anya ang tumatayong Deputy Secretary ng Regional Committee ng CPP NPA sa Negros Island.

Sa pahayag ng ‘human rights groups’, si Acosta ay dating editor ng Philippine Collegian ng University of the Philippines (UP) at isang manunula sa panahong aktibo pa ito sa kaniyang pag-aaral sa nasabing pamantasan.

Bukod dito sa pagiging consultant ng NDF, nagtatrabaho rin umano si Acosta sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER) habang si Jimenez ay isa umanong organizer ng samahan ng mga magsasaka.

“Let us not be fooled to think and say that being NDF Consultant as what they portray him, makes him naïve and harmless,” ani Aguilar.

“The truth is, it is just a cover of his being the Deputy Secretary of Regional Committee of CPP in Negros Island. Such position makes him the brain and author behind all crimes and unlawful acts of the NPA in the island,” dagdag pa ni Aguilar.

Una nang nanawagan ang human rights group na Karapatan sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang insidente dahil hinuli umano ng buhay sina Acosta at laking gulat nila ng ianunsyo ng militar na napaslang ang mga ito sa engkuwentro.

Nanindigan naman si Aguilar na lehitimong engkuwentro ang naganap sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ni Acosta na ikinasawi ng huli at ng kasamahan nitong rebelde.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with