^

Bansa

Programa ng DSWD, suportado ng solon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Programa ng DSWD, suportado ng solon
Ayon kay Yap, simula nang maupo si Sec. Tulfo sa DSWD ay ginampanan nitong mabuti ang kanyang trabaho upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga nangangailangan nating kababayan, saang lugar man sila naroroon.
FREEMAN / File

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagsuporta si Benguet Congressman Eric Yap sa layunin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na pagkakalooban ng tulong at proteksiyon ang mga Indigenous Peoples (IPs) sa pamamagitan ng mga programa ng ahensiya.

Ayon kay Yap, simula nang maupo si Sec. Tulfo sa DSWD ay ginampanan nitong mabuti ang kanyang trabaho upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga nangangailangan nating kababayan, saang lugar man sila naroroon.

Inilapit din aniya niya ang mga programa ng ahensiya sa bawat komunidad upang mapagsilbihan ang libu-libong pamilya at ngayon naman ang kapakanan ng IPs ang binibigyang-pansin ng kalihim.

Kamakailan lamang ay inilatag ng DSWD ang kanilang Educational Assistance Program kung saan aabot sa P1.6 bilyong halaga ng cash aid ang naipamahagi sa mahigit 600,000 student be­neficiaries.

Pinuri rin ni Yap ang kalihim dahil sa consistent nito sa pagiging isa sa mga first responders sa ground kung may nararanasang kalamidad saan mang lugar sa bansa.

Dagdag pa ng solon, bilang patunay sa kanyang commendable public service, nakakuha si Sec. Tulfo ng 74% na approval rating, batay na rin sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with