^

Bansa

HR management susi sa pagbabago sa workplace – Nograles

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kritikal ang papel ng Human Resource (HR) management sa sektor ng publiko sa pagharap sa hamon ng panahon kaugnay ng transpormasyon o pagbabago sa ‘workplace’ dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ang binigyang diin ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexie Nograles sa virtual message nito sa idinaos na ‘Seminar-Conference on Public Sector Productivity’ na isinagawa ng Development Academy of the Philippines nitong Biyernes via hybrid mode.

Sinabi ni Nograles na ang pandemya na na­ging problema sa buong mundo ay nagdulot ng pagbabago kung paano magsisipagtrabaho ang mga tao at paano kikilos ng mga organisasyon.

Ang HR , ayon sa CSC Chairperson ang naging sentro ng mga pagbabago sa pamamaraan ng pagtatrabaho ng mga tao.

Ang seminar-conference ay may temang  ‘Creating an Agile and Productive Public Sector in the New Era of Governance’ ay itinampok ang pangangailangan para makabuo ng mga makabagong skills o kakayahan upang suportahan at ma­panatili ang kakayahan o kapabilidad ng mga civil servants para makaayon ang mga ito sa transpormasyon sa pagharap sa hamon ng panahon.

Binigyang diin ni Nograles na ang HR ay dapat na maging episyente at istratehiko na tinukoy ang CSC’s PRIME-HRM (Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management) na nagsusulong ng pag-akma sa digital transformation.

Idinagdag pa ni No­g­rales na nakapokus ang CSC sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga nagtatrabaho sa gobyerno para magawa ng mga itong makaakma sa pagbabagong dulot ng teknolohiya.

Iginiit pa ni Nograles na nais niyang ang mga civil servants sa hinaharap ay makita na ang public service ay tunay na nagbibigay kasiyahan sa punto ng life-long learning, career advancement, kontribusyon sa lipunan, mental at pisikal na kalusugan  kung saan ‘di kailangang masakripisyo ang pagkalinga sa pamilya.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with