^

Bansa

Bong Go: Gawin lahat para sa seguridad ng journalists

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Batid ang mga panga­nib na kinakaharap ng mga mamamahayag sa kanilang trabaho, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go ng dagdag na proteksyon at seguridad para sa mga manggagawa sa media.

“Sa ating awtoridad, do all possible to protect our media people. Alam n’yo, ginagawa ninyo (journa­lists) ang inyong trabaho. Pandemic nandiyan kayo, isinusugal ninyo ang buhay ninyo, harap-harap (sa tao), (inilalapit) ninyo ang inyong mga mic, at risk po kayo (lalo na sa panahon ng pandemya),” sabi ni Go matapos niyang personal na pangunahan ang pamimigay ng ayuda sa mga residente ng Mandaue City, Cebu.

Sinabi ni Go na ang isa sa mga aspeto ng trabaho ng mga mamamahayag ay maaaring may kasamang sensitibong impormasyon na maaa­ring magdulot ng panganib sa kanilang buhay.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte mismo aniya ay nagtatag ng presidential task force sa panahon ng kanyang administrasyon para imbestigahan ang media killings.

Nauna nang inihain ni Go ang Senate Bill No. 1183 o ang “Media and Entertainment Workers’ Welfare Act” na nagbibigay ng pinahusay na proteksyon, seguridad, at mga benepisyo para sa mga manggagawa sa media at entertainment.

Binanggit ng senador na ang mga manggagawa sa media at entertainment ay “nagpapalakad-lakad sa araw at gabi, sa gitna ng banta ng COVID-19, para lamang mabigyan ang mga tao ng maiinit na impormasyon at coverage.”

Sa ilalim ng panukalang batas, dapat ay mayroong kontrata na pinirmahan ng media entity at ng empleyado upang magarantiyahan ang sukdulang proteksyon mula sa hindi makatarungang kabayaran at upang matiyak na ang kanilang mga karapatan at kapakanan ay maproteksyonan at hindi napababayaan.

vuukle comment

JOURNALISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with