^

Bansa

Walang ‘vested interest’ ang aking ina – Sandro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simple lang at walang anumang ‘vested interest’ sa gobyerno ang aking ina!

Ito ang ginawang pagtatanggol ni 1st District Ilocos Norte Rep. at Presidential Son Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos matapos punahin ng mga kritiko sa social media ang sobrang pagpapel umano ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ni DZRH broadcaster Anthony ­Taberna, sinabi ni Sandro na nais lamang protektahan ng kaniyang ina ang kaniyang amang si Pangulong Marcos bilang nagmamahal na asawa.

“Eversince naman po, ayaw na ayaw talaga ng mother ko na nasa spotlight. Gusto lang niya nasa background siya at tahimik na nagtratrabaho,” paliwanag ni Marcos.

Ikinatwiran nito na kung marami ang exposure ngayon ng kaniyang ina ay dahil sa tungkulin nito bilang First Lady dahilan sinusuportahan nito ang kaniyang ama.

“Lahat naman ng tao may interes, lahat naman ng tao may gusto silang mangyari, may gusto silang gawin pero wala talagang vested interest ang nanay ko,” sabi pa ni Sandro.

Aminado naman si Sandro na “Mama’s boy’ siya pero independent na siya sa gulang na 28 anyos lalo pa at Kongresista na siya sa kanilang lalawigan na dapat ­maging mabuting ehemplo sa mamamayan lalo na sa kaniyang mga constituents.

 

 

vuukle comment

SANDRO MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with