Optional face masks aprub na sa mga bata sa outdoor school setting
MANILA, Philippines — Pahihintulutan ng Department of Education ang boluntaryong pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19 kahit sa mga batang estudyanteng nasa "open spaces," bagay na sinegundahan ng Department of Health.
Kamakailan lang kasi nang ilabas ng DepEd ang bagong Department Order 39 kaugnay nito, kahit ilang beses nang sinabi ni DOH officer-in-charge na dapat naka-face mask ang mga bata "sa lahat ng oras" tuwing may face-to-face classes.
"Wearing of face masks shall be mandatory for all personnel, lewarners and visitors inside classrooms, laboratories and other school rooms," sabi ng naturang utos.
"[But masks] shall be voluntary in open spaces, or non-crowded outdoor areas with good ventilation, as well as in playing sports and other physical activities."
Saklaw ng mga naturang open spaces at outdoor areas ang mga lugar na meron o walang bubungan.
Setyembre lang nang ipatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order 3 na nagpapahintulot sa pagtatanggal ng maskara basta't hindi siksikan o may magandang bentilasyon ang outdoor areas.
Sa kabila nito, "highly encouraged" na magsuot pa rin ng masks ang mga hindi pa kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19, mga 60-anyos pataas at mga immunocompromised.
"Consistent naman po ito sa EO on voluntary mask wearing in low risk settings for low risk individuals," wika ng DOH nang matanong ng reporters kung kinunsulta sila sa pagluluwag ng mask requirements sa mga eskwelahan.
"Need to emphasize lang din that more important than giving the people the choice to remove their masks, mas importante na turuan natin sila magdecide kung kailan ligtas magtanggal ng mask--i.e. kung ang ibang layers of protection ay nandyan para sumalo, gaya nang nabanggit ni OIC-SOH."
Sa huling ulat ng Kagawaran ng Kalusugan, aabot na sa 3.96 milyon ang tinataqmaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula pa noong 2020. Patay na ang 63,149 sa bilang na 'yan.
- Latest