^

Bansa

Habagat nagtapos na, Amihan mararamdaman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Habagat nagtapos na, Amihan mararamdaman
yon sa weather bureau, ramdam na ang paghina ng Habagat sa nakalipas na mga araw.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng Habagat o Southwest Monsoon at ang unti-unting pagpasok ng Northeast Monsoon o Amihan.

Ayon sa weather bureau, ramdam na ang paghina ng Habagat sa nakalipas na mga araw.

Lumakas naman ang high pressure systems sa mainland Asian continent, na nagdulot ng pagbabago ng panahon.

Bunsod nito, asahan na ang period of transition at pagkakaroon ng Amihan, na inaasahang mararamdaman sa mga darating na araw.

Ang hanging Amihan ang nagdadala ng malamig na panahon sa bansa. Ito ang kalimitang naghuhudyat ng pagpasok ng ‘holiday season’ sa Pilipinas.

Karaniwang nararanasan ang malamig na hangin dulot ng Amihan hanggang sa buwan ng Pebrero.

Samantala, dahil sa on going na la niña o maraming  ulan ay asahan naman ang pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng higit sa normal na mga kondisyon ng pag-ulan na may potensyal na lumikha ng masamang epekto tulad ng malakas na pag-ulan, pagbaha at landslide.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with