^

Bansa

Libo-libong pasahero at trabahador, istranded

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Libo-libong pasahero at trabahador, istranded
Commuters used their umbrellas to protect themselves from the heavy downpour of rains caused by the southwest monsoon in Manila on Tuesday (September 20, 2022).
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Libo-libong pasahero at mga trabahador ang istranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Katimugang Luzon at Bicol region dahil sa masamang lagay ng karagatan dulot ng bagyong Karding, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa datos ng PCG, nasa 2,519 pasahero, tsuper, at mga cargo helpers ang istranded sa mga pantalan, maging ang 39 na ‘rolling cargoes’, 18 vessels, at 15 motorbancas.

May 71 vessesl at 35 motorbancas naman ang nakikisilong sa mga pantalan habang hinahagupit ng masamang panahon ang karagatan.

Sa monitoring ng PCG sa mga pantalan sa Southern Luzon kabilang ang Pier 8 sa Tondo, Maynila at 25 pang mga pantalan, nasa ‘moderate to rough’ na ang kundis­yon ng dagat. Gayundin sa Bicol region partikular na sa Virac Port.

Patuloy na nagbabala ang PCG sa mga mangingisda at mga operators ng mga pampasaherong bangka na huwag pumalaot hanggang hindi tuluyang lumilisan sa bansa ang bagyo at umaayos ang kundisyon ng karagatan.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with