^

Bansa

74 dayuhan ikinulong sa POGO site, nasagip

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national at nasagip ang mahigit 70 banyaga na sinasabing nakakulong sa loob ng Philippine offshore gaming operator (POGO) site sa bayan ng Cainta, Rizal sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa.

Ayon sa NBI, kinabibilangan ng 70 Chinese workers, dalawang Taiwanese, isang Malaysian, at isang Vietnamese nationals ang nailigtas sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police(PNP), Bureau of Immigration (BI) at Chinese Embassy.

Sinabi ni NBI Assistant Director for Investigative Service Jose Doloiras na idinulog sa kanila ng Chinese Embassy na ikinukulong ang mga Chinese national kaya bumuo sila ng team at agad na tinungo ang lugar.

Patuloy pang iniimbestigahan ng NBI ang insidente kaugnay sa mga alegasyon.

“Ang allegation is kidnapping, illegal detention. That is a heinous crime we immediately act on it,”ani Doloiras sa panayam ng ABS-CBN.

Isa umano sa Chinese na biktima ang nagsalita na siya at mga kasama ay sapilitang pinagtatrabaho sa isang online casino at sinasaktan sila ng suspek kung ayaw nilang sumunod.

Ipinakita rin sa mga awtoridad ng biktima ang marka ng mga paso sa likod at binti.

Nakikipag-ugnayan din ang NBI sa BI upang matukoy kung illegal aliens ang mga na-rescue na pawang walang maipakitang dokumento o identification cards.

“We are going to process these people, profile them, if they are here without documents we will turn them over sa BI,” ayon pa kay Doloiras.

vuukle comment

NBI

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with