^

Bansa

Patay, inimbitahang humarap sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang resource person ng Senado ang patay na pala subalit naimbitahan pa para humarap sa pagdinig kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced at outdated na mga laptop ng Department of Education (Deped) para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Sen. Francis Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, Miyekules lamang ng gabi ng sabihan siya na isang Atty. Crisologo ang hindi makakadalo sa pagdinig dahil patay na ito.

Matatandaan sa pag­dinig noong nakaraang linggo, nabanggit ang pa­ngalan ng isang Atty. Jose Crisologo na umano’y nag-notaryo sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DepEd at Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay ng kontrobersiyal na P2.4 billion laptop deal.

Idinagdag pa ni Tolentino na hanggang noong Mayo 5, 2022 ay hindi alam ng mga kawani ng PS-DBM na may umiiral na nilagdaang MOA sa pagitan ng PS-DBM at Deped at notarized ito noong Pebrero 16, 2021.

Dahilan dito kaya ipinatawag nila ang isang Atty. Crisologo sa Quezon City na siyang nag-notarized ng MOA, subalit sinabihan umano si Tolentino noong Miyerkules ng gabi na patay na si Crisologo.

Humingi umano ang Senado ng certified copy ng death certificate at kung ano ang tunay na ikinamatay ni Crisologo para maalis ang pangalan nito sa listahan ng mga obligadong dumalo sa pagdinig.

Samantala, kinumpirma naman ni Sen. Jinggoy Estrada ang pagkamatay ni Crisologo base sa impormasyong nakuha sa nakakatanda nitong kapatid na si dating congressman Bingbong Crisologo dahil sa kumplikasyon sa kidney noong nakaraang taon.

vuukle comment

PATAY

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with