^

Bansa

390K pamilya ‘di pa tatanggalin sa 4Ps – DSWD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
390K pamilya �di pa tatanggalin sa 4Ps � DSWD
Residents of Batasan Hills in Quezon CIty line up to receive their financial assistance from the national government on April 7, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umaabot sa 390,000 ng kabuuang 1.3M benepisaryo sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ang hindi pa tatanggalin sa programa.

Ito ang nilinaw kahapon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa pagharap nito sa deliberasyon ng panukalang pondo ng ahensya sa House Committee on Appropriations.

Sinabi ni Tulfo, na ang hindi pagtanggal sa mga beneficiaries ay resulta ng kanilang konsultasyon sa mga lider ng 4Ps na tinatayang may 40 hanggang 80 miyembro sa iba’t ibang lugar.

Si Tulfo ay kinuwestiyon nina 1st District Albay Rep. Edcel Lagman at San Francisco del Monte City Rep. Rida Robes sa isyu ng pagtatanggal sa 1.3M Pinoy households sa listahan ng 4Ps.

Ang DSWD ay humihingi ng mahigit P197 bil­yon sa panukalang 2023 national budget para sa susunod na taon.

“There were beneficiaries na nagreklamo kasi nagka-pandemic. Wala naman sigurong yumaman sa pandemic, kakaunti lang. To make sure na walang made-delist na mahirap, nagpatawag po ng pulong with 4Ps groups and I met them three weeks ago. At mga 30% to 40% po roon sa 1.3 million households ay hindi pa aalisin,” paliwanag ni Tulfo.

Para sa made-delist o matatanggal sa listahan ng 4Ps, bibigyan nila ng abiso ang mga ito pero hindi nangangahulugan na kapag natanggal sa listahan ay hindi na kuwalipikado sa iba pang benepisyo ng ahensya.

Ayon kay Tulfo, may mga grumadweyt na sa listahan ng 4Ps na kusang nagboluntaryo na umalis na sa programa at galing mismo ito sa kanilang mga lider.

Samantala kabilang naman sa pagbabasehan para sa pagtatanggal sa 4Ps ay kung ang huling anak ay sumapit na sa 19-anyos, nagtapos na sa high school, nasa pitong taon na sa programa, hindi na mahirap, nag-waive sa programa at kung nakagawa ng pagkakamali ang households na kasali sa listahan.

vuukle comment

4PS

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with