^

Bansa

Lokal na puting sibuyas inaalam kung may shortage

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapaimbentaryo ni Sen. Imee Marcos ang lokal na mga pu­ting sibuyas para masiguro kung mayroong shortage o kung ito ay itinatago lamang.

Ayon kay Marcos da­pat i-trace ang mga tra­ders na nagdadala ng puting sibuyas mula sa local farmers at alamin kung itinatago lamang ito sa cold storage.

Paliwanag ng Senador na kung walang komprehensibong imbentaryo ay hindi makakapaglabas ng maayos na calibrated policy na siyang sasagot sa demand ng consumer kundi makakaginhawa rin sa local growers mula sa low farmgate prices.

Matatandaan na ki­num­pirma ng Department of Agriculture na mayroong kakulangan ng supply ng puting sibuyas sa merkado dahilan para ikonsidera nila ang pag-import nito.

Dahil dito kaya iginiit ni Marcos na dapat na maglabas ng listahan ng pangalan ang DA ng traders na mula sa Visayas at Mindanao bukod pa sa Nueva Ecija at Mindoro na pangunahing pinagkukunan ng sibuyas para mas maayos na mapag-aralan ang sitwasyon.

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with