US lawmakers, nabisita si De Lima sa kulungan
Pinayagan ng korte
MANILA, Philippines — Makaraang makakuha ng permiso mula sa korte, nabisita at nakausap ng mga mambabatas mula Amerika si dating senador Leila De Lima, kahapon sa PNP Custodial Center.
Huwebes nang sabihin ni PNP Public Information chief BGen. Roderick Alba na hindi nila papayagang makaharap ng US delegation ang dating senador bagama’t papayagan ang mga ito na libutin ang Custodial Center.
Nabatid na naisakatuparan ng US delegation sa pangunguna ni Sen. Edward Markey kahapon na makausap si De Lima matapos pumayag ang dalawang korte na may hawak sa dalawang drug case ng dating senador. Tikom naman ang bibig ni De Lima at ng US delegation sa ginawang pagpupulong.
Mayo ngayong taon nang ipanawagan ng mga US lawmakers na sina Markey, Marco Rubio, Dick Durbin, Marsha Blackburn, Chris Coons, at Patrick Leahy ang pagpapalaya kay De Lima matapos na bumaligtad ang ilang testigo laban dito.
- Latest