^

Bansa

Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%
Photo from Pixabay shows a mosquito.
Pixabay via 41330

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, ayon sa Department  of Health (DOH).

Mas mataas ito ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361 lamang noon.

Pinakamaraming   kaso ng dengue sa Region III na may 18,664 o 18%, kasunod ang Region VII na may 10,034 o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 8,870 o 9%.

Mula nitong Hulyo 3 hanggang Hulyo 30, nadagdag ang nasa 23,414 kaso ng dengue kung saan pinakamataas sa Region 3 (5,838), kasunod ang NCR (2,689) at Calabarzon (2,369).

Nabatid rin na siyam sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo. Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, VII, IX, CAR, at NCR.

Ang Mimaropa at Region VI na lamang ang nagpapakita ng tuluy-tuloy na pagtaas ng mga kaso mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.

Sa buong bansa, nakapagtala na ng 368 nasawi sa sakit na may 0.4% case fatality rate.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with