^

Bansa

LTO, kinuwestiyon ng COA sa pagbabayad sa banyagang IT contractor

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagbabayad nito sa banyagang Information Technology (IT) contractor na Dermalog sa kabila ng mga kakulangan nito kaugnay sa P3.19 billion Road IT Infrastructure project.

Iginiit ng COA sa kanilang 2021 Consolidated Annual Audit Report (CAAR) na tinanggap ng LTO ang isinumiteng core applications ng dayuhang IT contractor sa kabila ng mga kakulangan at aberya ng mga ito.

Ayon sa COA, ay nakapagdulot ito ng “undue payment” sa contractor at pagka-agrabyado naman sa panig ng gobyerno. Kabilang sa mga core applications na ito ang Driver’s Licensing System (DLS) at Motor Vehicle Inspection and Registration System (MVIRS), na nakapaloob sa Component A ng proyekto na kilala rin sa tawag na Land Transportation Management System (LTMS).

Matatandaang sinita na rin ng COA ang LTO sa audit report nito noong 2020 dahil din sa hindi wastong pagbabayad sa dayuhang IT contractor bagama’t makailang beses na in-extend ng LTO ang deadline para mapagbigyan ang Dermalog. Nagdulot ito ng pagkalugi sa pamahalaan at malaking aberya sa publiko.

Mismong ang bagong upong LTO chief na si Atty. Teofilo Guadiz ang nagsabi na ang aberya sa LTMS ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabagal sa mga transaksyon sa LTO kaya tututukan ang isyu sa layuning pabilisin at pababain ang presyo ng mga transaksyon sa LTO. 

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with