^

Bansa

P2-B fund para sa mga taong 'nasa sitwasyon ng krisis' ilalabas na

Philstar.com
P2-B fund para sa mga taong 'nasa sitwasyon ng krisis' ilalabas na
Suspected Covid-19 patients and relatives rest in a parking lot turned into a covid ward outside a hospital in Binan town, Laguna province south of Manila on September 6, 2021, with record infections fuelled by the hyper-contagious Delta variant.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes ang pagbibigay ng P2 bilyon para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang gagamitin bilang tulong-pinansyal sa mga Pilipinong nasa sitwasyon ng krisis.

Sa isang pahayag ng ahensya, sinabing inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order na nagkakahalaga ng P2 bilyon bilang bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD na siyang bumubuo sa parte ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances.

“Ang pondo ng taumbayan, dapat [m]apakinabangan rin ng taumbayan lalo na sa oras ng peligro. The release of this fund is a big help to our kababayans who are caught in difficult situation,” saad ni Pangandaman sa isang pahayag, Martes.

“Maganda ang timing ng karagdagang pondong ito. Gusto nating tulungan ang DSWD para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan,” pagpapatuloy niya.

 

 

Anang ahensya, ang AICS ay isang probisyon ng pinagsama-samang serbisyo na kinabibilangan ng tulong pinansyal para sa transportasyon, medikal, libing, pagkain at iba pang support services na ibinibigay sa mga indibidwal at pamilyang may kinahaharap na krisis.

Pagbabahagi pa nila, sa ika-30 ng Hulyo ngayong taon, pumalo na sa 1.5 milyon indibidwal ang naging bahagi na ng AICS program na siyang lampas sa target nilang 1.4 milyon.

Anila, may natititra pang 642, 348 kliyente ang mungkahi nilang mapabilang sa naturang programa ngayong taon.

“Patunay ito na binibigyan prayoridad ng pamahalaan ang pagtulong sa mga vulnerable at disadvantaged sectors. Hindi lip service and sinabi ng Pangulo na walang Pilipino ang maiiwan,” sambit ni Pangandaman.  — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

vuukle comment

CRISIS

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

EMERGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with