Admin tasks ng mga guro, planong alisin ng DepEd
MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na tanggalin na ang mga administrative tasks ng mga guro.
Ang pahayag ay ginawa ni DepEd Spokesperson Michael Poa, sa gitna ng panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ipagpaliban pa ang pagbubukas ng klase sa kalagitnaan ng Setyembre upang mabigyan ng dagdag na pahinga ang mga guro at dagdag na oras para makapaghanda sa susunod na school year.
Ayon kay Poa, ang mga naturang admin tasks ang pabigat sa mga guro kaya’t nais nilang tanggalin na ito upang makapagpokus na lamang sila sa kanilang pagtuturo at magkaroon ng mas maraming oras sa pagpapahinga.
Una nang sinabi ni Poa na kukuha sila ng mga non-teaching staff, na siyang mag-aasikaso sa mga administrative tasks.
“Kasi ‘yan talaga ‘yong pabigat. Tapos na silang magturo pero mayroon pa silang admin tasks, papeles na kailangang gawin,” aniya pa.
- Latest