^

Bansa

Magpa-COVID-19 booster shot bago mag-face to face classes

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Magpa-COVID-19 booster shot bago mag-face to face classes
An individual receives a COVID-19 vaccine at SM City Baguio on April 9, 2022.
National Task Force against COVID-19

PBBM sa mga estudyante

MANILA, Philippines — Dahil sa nalalapit na pagsisimula ng face-to-face classes, hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga estudyante na magpa-COVID booster shots na.

Sa weekly vlog ng Pangulo, sinabi nito na dapat masiguro na nakapagpa-booster shot na ang lahat lalong-lalo na ang mga kabataan para siguradong handa ang pangangatawan nila sa pagbabalik eskwela.

Idinagdag pa niya na mayroong 15.9 milyong Filipino ang nakatanggap na ng COVID-19 booster shot, habang 1.2 milyon ang nakakuha ng second booster dose.

Subalit hindi pa umano ito magandang numero kumpara sa target na 100 percent kaya hindi anya siya magsasawa na pakiusapan ang ating mga LGU na maging mas agresibo dito sa kampanyang ito, ayon pa sa Pangulo.

Pinapasiguro rin ni Marcos sa public transportation providers na magkakaroon ng minimum health at safety protocols sa darating na pasukan.

Kapag naging matagumpay umano ang implementasyon ng in-person classes ay maaring magdulot ito ng matatag na ekonomiya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with