^

Bansa

DepEd: Enrollees, higit 16 milyon na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 16 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nakapagpa-enroll na para sa susunod na pasukan.

Sa huling datos ng Department of Education (DepEd), hanggang alas-7 ng umaga ng Agosto 5, 2022, umaabot na sa 16,029,252 ang mga nagparehistrong mag-aaral para sa School Year 2022-2023.

Sa naturang bilang, 1,060,138 ang kindergarten; 7,376,586 elementary; 5,179,673 junior high school at 2,412,855 senior high school.

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 2,367,246 kasunod ang National Capital Region (NCR) na nasa 1,870470, at Region III (Central Luzon) na 1,591,722 habang pinakamababa ang enrollment sa Cordillera Administrative Region (CAR) na 182,370 pa lamang.

Ang enrollment period na sinimulan noong Hulyo 25, ay magtatapos sa Agosto 22, 2022, na siyang unang araw ng pasukan.

Pinaalalahanan din ng DepEd ang publiko na sa pagpunta sa mga paaralan ay tiyaking napapa­natili ang proteksyon ng bawat isa.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with