^

Bansa

Pinas kailangang mag-import ng asukal - DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangang mag-import ang Pilipinas ng may 300,000 metric tons ng asukal upang maging stable ang presyuhan nito sa mga pamilihan at mapunan ang kakulangan sa asukal sa bansa.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary at spokesperson Kristine Evangelista, may kakulangan sa suplay ng asukal sa bansa makaraang salantain ang sugar plantation ng bagyong Odette noong December 2021.

“Yung crop natin hindi maganda so merong mga nasira. Napakababa po talaga ng supply ng ating asukal kaya apektado ang presyo sa retail market,” ani Evangelista.

Sinabi nito na ang pag-angkat ng asukal ang unang solosyon para punan ang kakulangan sa asukal.

Anya, malalaman sa susunod na linggo ang planong importation dahil kailangang umanong may maangkat na asukal sa buwan ng Setyembre, Oktubre at Nobyembre para punan ang demand ng bansa sa asukal at hindi tumaas ang presyo ng naturang produkto.

Sinabi rin ni Evagelista na kokonsultahin ang mga stakeholders sa planong pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa asukal. Malalaman din sa susunod na linggo kung magpapatupad ng SRP sa asukal.

Sa ngayon ang presyo ng asukal ay P90 kada kilo pero may ilang palengke at pamilihan ang nagbebenta ng mula P120 hanggang  P150 kada kilo.

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with