^

Bansa

DOJ, handang ibigay ang datos sa ‘drug war’ sa CHR

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOJ, handang ibigay ang datos sa �drug war� sa CHR
This file photo taken on July 8, 2016 shows police officers investigating the dead body of an alleged drug dealer, his face covered with packing tape and a placard reading "I'm a pusher", on a street in Manila.
AFP / Noel Celis

MANILA, Philippines — Handa umano ang Department of Justice (DOJ) na ibigay sa Commission on Human Rights (CHR) ang lahat ng datos na nakalap sa imbestigasyon sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyong Duterte.

Bukod dito, magbibigay rin ang DOJ ng impormasyon sa “investigating team” ng International Criminal Court (ICC) bilang kortesiya at hindi dahil sa kinikilala nila ang awtoridad nito.

Samantala, hindi pa naman pinapangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong mga komisyuner ng CHR.

Una nang sinabi ni CHR executive director Jacqueline de Guia na ang aksyon ng komisyon ay para sa kolaborasyon at hindi nakakapinsala sa pamahalaan.

Isa sa nagiging problema sa imbestigasyon ng DOJ sa sinasabing mga “extra-judicial killings” ay ang kakulangan o kawalan ng testigo na nais lumantad.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na anim sa 52 kaso na nirerebyu ng DOJ ay naibasura na makaraang tumanggi na ang pamilya ng mga biktima na makipagtulu­ngan sa imbestigasyon.

Sa kabila nito, iginiit ni Remulla na walang sinasanto ang DOJ ukol sa kung may direktang nag-utos na patayin ang mga drug suspect sa mga operasyon.

vuukle comment

CHR

DOJ

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with