^

Bansa

PBBM layong pabilisin ang pagtugon sa mahihirap; 4P’s list nais repasuhin

Philstar.com
PBBM layong pabilisin ang pagtugon sa mahihirap; 4P�s list nais repasuhin
This undated photo shows individuals lining up to receive COVID-19 financial assistance from the government
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Binigyang diin sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga hakbang na dapat gawin ng Department of Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes.

Ayon sa pangulo, kailangang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa krisis man o sakuna. 

“Utos ko sa DSWD ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad at mga iba’t ibang krisis,” ani PBBM sa kanyang unang SONA. 

Sinabi pa ni PBBM na magdadagdag pa ang DSWD ng mga pasilidad tulad ng warehouse na magiging imbakan ng mga relief goods sakaling humagupit ang kalamidad.

“Magdagdag tayo ng mga operations center, warehouse at imbakan ng relief goods, lalo na sa mga malalayong lugar na mahirap marating.”

“Titiyakin natin na maayos ang koordinasyon ng DSWD at Department of Human Settlements and Urban Development ng sa ganun, madali ang pagpapatupad ng Emergency Shelter Assistance program para sa mga biktima ng kahit anong kalamidad,” dagdag pa niya.

Iginiit ni PBBM na mahigit isang milyong indibidwal na ang “naka-graduate” o tinanggal na sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno na ayon sa kanya ay naka-survived na sa kahirapan. 

Binanggit din ng pangulo ang mas komprehensibong pagtutok sa 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na dapat daw ay maibigay sa pinaka-nangangailangang pamilya sa bansa. 

“Kaugnay nito ay inutusan ko ang DSWD na pag-ibayuhin pa ang pag-repaso ng listahan upang maitutok ang pamimigay ng sapat na ayuda sa mga lubos na nangangailangang pamilya” 

Samantala mas paiigtingin pa raw ng administrasyon ang pagkalinga sa mga solo parents at mas pagtitibayin ang Violence Against Women and their Children (VAWC) o RA 9262. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with