^

Bansa

Panukalang pabilisin paglarga ng libreng Wi-Fi 'sa lahat ng eskwelahan' inihain

Philstar.com
Panukalang pabilisin paglarga ng libreng Wi-Fi 'sa lahat ng eskwelahan' inihain
Students use laptops as Parañaque National High School turns to ‘hylearn learning,’ a type of hybrid learning system, during in-person classes
The STAR, File

MANILA, Philippines — Isang panukalang naglalayong bigyan ng libreng Wi-Fi ang lahat ng paaralan sa bansa ang inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, pagbabahagi niya nitong Martes.

Aniya, mungkahi ng Senate Bill No. 383 na pabilisin ang digital transformation ng basic education sector ng bansa alinsunod sa mandato ng Republic Act No. 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act.

Sa ilalim ng naturang panukala, palalakasin ng Department of Education katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology ang kapasidad ng ICT sa bawat paaralan para ipatupad ang distance learning na siya aniyang magiging bahagi pa rin ng moda ng pagkatuto kahit na tapos na ang pandemya.

Sambit niya, lumitaw din kasi nitong pandemya ang naging "nationwide digital divide" at ang pangangailangan para sa mga makabagong paraan ng pagtuturo.

"Isusulong natin ang digital transformation ng sektor ng edukasyon upang matiyak na ang bawat paaralan sa bansa ay konektado sa internet," wika ni Gatchalian.

"Naniniwala akong kahit matapos na ang pandemya, magiging bahagi na ng new normal ang blended learning, kaya naman dapat palawigin natin ang paggamit ng teknolohiya upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon,” dagdag pa niya.

Batay sa datos ng DICT, kasalukuyang 945 pampublikong paaralan  lang sa buong bansa ang may libreng Wi-Fi.

Nangangahulugang 2% lang sa bansa ang may akses sa libreng Wi-Fi.  — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY

INTERNET

SCHOOL

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with