^

Bansa

G2G fertilizer deal, balak ituloy ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ituloy ang government-to-government (G2G) deals para tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng abono.

Sinabi ni Marcos na siya ring namumuno sa Department of Agriculture, na maaaring maka-avail ang gobyerno ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng G2G deals.

Balak ni Marcos na makipag-ugnayan sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia, at Russia para sa pagbili ng bansa ng mga pataba.

Idinagdag ni Marcos na iniisip niyang sulatan ang gobyerno ng mga nabanggit na bansa upang ipabatid ang dami ng fertilizer na kailangan ng Pilipinas.

Hiniling din ng Pangulo sa mga opisyal ng agrikultura na magbigay ng datos sa pinagmulan at presyo ng mga pataba, gayundin ang plano sa pamamahagi sa panahon ng pagtatanim.

Nagpasya ang punong ehekutibo na pansamantalang pamunuan ang DA, dahil kailangang tugunan agad ang napipintong krisis sa pagkain.

Sinabi ni Marcos na ang pinakamabigat na isyu na kailangang tugunan sa sektor ng agrikultura ay ang pagtaas ng produksyon ng bigas at muling pag-aayos sa DA at mga kaakibat na ahensya nito.

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with