^

Bansa

Senador may P1-M pabuya para sa ikahuhuli ng Marinduque 'killer-rapist'

Philstar.com
Senador may P1-M pabuya para sa ikahuhuli ng Marinduque 'killer-rapist'
Kuha kay Sen. Raffy Tulfo habang nagtatalumpati sa Cauayan, Isabela
Mula sa Facebook page ni Raffy Tulfo

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P1 milyong pabuya si Sen. Raffy Tulfo sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang suspek na pumatay sa isang lalaki at panggagahasa sa kanyang menor de edad na nobya sa Brgy. Ihatub, Boac, Marinduque.

Sa isang pahayag sa kanyang Facebook Page, kinondena ni Tulfo ang karumal-dumal na krimen na naganap habang nagka-camping ang magkasintahang biktima sa tabing dagat noong madaling araw ng Biyernes, July 15.

“Walang konsensya ang gumawa ng ganitong karumal-dumal at kalunos-lunos na krimen,” sinabi ng senador.

Ayon sa salaysay sa pulisya ng 17-anyos na babaeng biktima, biglaang pumasok ang suspek sa kanilang tent at pinagsasaksak umano ang kanyang 21-anyos na kasintahan. 

Sinubukang tumakbo ng biktima ngunit naabutan pa rin siya ng salarin. 

Nang mahabol, sinugatan aniya ang dalaga sa leeg at pinagsamantalahan. Matapos ang krimen, pinagkukuha raw ng nabanggit ang mga mahahalagang bagay tulad ng cellphone at pera bago tumakas .

“Ako po ay magbibigay ng 1 milyong pisong pabuya, totoo po ito, sa ikadarakip ng suspek. Basta’t sigurado ako na talagang ang may sala ang madarakip at mapananangot,” dagdag ni Tulfo.

Ayon sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team, nagtamo ng 10 saksak ang estudyanteng lalaki habang sinasabing tinamaan naman siyam na saksak ang babae.

Hinala ng pulisiya, inakala ng suspek na patay na ang dalaga kung kaya't tumakas na mula sa crime scene. 

Si Sen. Raffy ay kapatid ng kapwa broadcaster at kasalukuyang Social Welfare Secretary Erwin Tulfo. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

vuukle comment

MARINDUQUE

RAFFY TULFO

RAPE

STABBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with