^

Bansa

Unemployment rate tumaas sa bagong graduates

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Unemployment rate tumaas sa bagong graduates
Residents collect thrown away boxes and plastic bottles that could be sell to junk shops at Happyland in Tondo, Manila on July 4, 2022.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isa sa hahanapan ng solusyon ng bagong pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mas tumaas na unemployment rate sa bansa na umakyat sa 6% nitong Hunyo na posibleng dulot umano ng nadagdag na mga bilang sa lakas-paggawa dahil sa mga bagong graduates.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.93 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong katapusan ng Mayo. Mas mataas ito ng 0.3% sa 5.7% rate noong April pero mas mababa naman sa 7.7% noong Mayo 2021.

Nangangahulugan umano ito na 94 sa kada 100 indibidwal sa labor force ay may trabaho, ayon pa sa PSA.

“Itong mga fresh grads kasama dyan, ­naghahanap ng trabaho, di kaagad nakakita ng trabaho,” katwiran ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Isa pang pinoproblema niya ngayon ay ang 14.5% underemployment rate o ang mga nagtatrabaho ng hindi akma sa kanilang kakayahan o edukasyon.

Pinangangambahan rin ni Laguesma ang posibleng pagbabalik ng mas mahigpit na restriksyon sa ekonomiya lalo na at patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

 

vuukle comment

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with