^

Bansa

ERC: P21.8 billion refund sa Meralco customers, simula na ngayong Hulyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ERC: P21.8 billion refund sa Meralco customers, simula na ngayong Hulyo
Workers from the Manila Electric Company installed a electric meter on top of the electric post along Commonwealth avenue in Quezon City (August 9, 2021).
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inatasan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co (Meralco) na simulang ipatupad ang P21.8 bilyong refund sa July billing statements ng kanilang mga kostumer.

Ito ang inihayag kahapon ni ERC Chairperson Agnes Devanadera, kasunod ng kautusan ng komisyon sa Meralco na i-reimburse sa mga residential customers nila ang naturang halaga, na katumbas ng mahigit 86 sentimo kada kilowatt-hour (kWh).

“Itong bagong refund na inaprubahan noong June 16, ina-apply na ito sa bill ngayong July,” ayon kay Devanadera, sa Laging Handa briefing.

Base sa kautusan ng ERC, ang isang tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan ay inaasahang magkakaroon ng P174 refund sa kanilang bayarin sa kuryente ngayong Hulyo, at sa susunod pang 11 buwan.

Anang ERC, may opsiyon ang Meralco na ipatupad ang refund ng installments o ng isahan sa loob ng 12 buwan.

Kinumpirma pa ni Devanadera na ang tatlo pang refunds na ipinag-utos ng ERC, bago ang P21.8 bilyong reimbursement, ay epektibo pa rin sa ngayon.

Noong Enero 2021, inatasan ng ERC ang ­Meralco na mag-refund ng P13.8 bilyon sa kanilang mga consumers.

Pebrero 2022 naman aniya nang atasan din ng regulator ang electric company na mag-refund sa kanilang mga kostumer ng P4.8 bilyon habang P7.78 bilyon pa ang ipinasasauli noong Marso 2022.

Una nang sinabi ng Meralco na magtataas sila ng singil sa kuryente ngayong Hulyo, ngunit kumambiyo ito at sinabing bababa ang singil nila sa kuryente ngayong buwan dahil sa refund order ng ERC.

vuukle comment

ERC

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with