^

Bansa

'Dasurv': Korte Suprema sinuspinde, pinagmulta ng P50k 'homophobic' judge

Philstar.com
'Dasurv': Korte Suprema sinuspinde, pinagmulta ng P50k 'homophobic' judge
A member of the LGBT community raises a rainbow flag during the Metro Manila Pride March at the Cultural Center of the Philippines grounds in Pasay, Metro Manila on June 25, 2022.
AFP / Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Suspendido ng Korte Suprema ang isang hukom matapos magbitaw ng mga “homophobic slurs” sa kanyang mga litigante.

In-adopt ng High Court sa 18-page decision — na iniakda ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa — ang findings at rekomendasyon ng Judicial Integrity Board laban sa homophobic remarks ni Presiding Judge ng Jorge Emmanuel Lorredo ng Manila Metropolitan Trial Court, Branch 26.

Ipinagpilitin kasi niya ang kanyang religious beliefs habang isinasagawa ang kanyang judicial functions.

Taong 2019 nang magsampa ng reklamo ang mga litiganteng sina Marcelino Espejon at Erickson Cabonita matapos magpakita ang respondent judge ng "bias and partiality" dahil sa sexual orientation ng dalawa.

Anila, paulit-ulit silang tinanong patungkol sa kanilang sekswalidad at sinabing "kasalanan" ang homosexuality.

"[P]agka-bad[i]ng, tomboy, lesbian, ayaw ng Diyos yun," saad ng judge.
 
“So pag meron kang lesbian relationship, paparusahan 'yung anak mo. Dengvaxia, di ba? [Kayo din] kasi may kasalanan kayo sa Diyos eh," hirit pa niya.

Anang SC, walang lugar sa hudikatura ang pagbibigay ng "inappropriate statements" dahilan para lumabag ang hukom sa New Code of Judicial Conduct na siyang nagtitiyak ng patas na trato ng korte sa lahat anuman ang lahi, kasarian, relihiyon, edad, sekswal na oryentasyon, katayuan sa lipunan at ekonomiya.

Bukod dito, nilabag din ng hukom ang Civil  Service Commission Resolution  No. 01-0940 o ang Administrative Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases na mungkahing patawan ng parusa ang sinumang gumawa ng work-related  sexual harassment  na siyang magdudulot ng "discrimination, insecurity, discomfort, offense or humiliation" sa biktima.

Dagdag pa rito, kinastigo rin ng Korte ang hukom dahil sa "paggamit niya ng kasulatan at katuruan sa Bibliya" sa kanyang mga litigante. Batay sa press release, inamin ng hukom na nasa 101 kaso ang kanyang naayos sa pamamagitan ng Bibliya.

"The Court held that respondent judge failed to fulfill his duty to not only act with impartiality but to appear impartial at all times," saad ng SC.
 
"As 'front-liners who serve as the visible representations of the judicial branch at the grassroots level,' judges must avoid not only impropriety but the  appearance  of  impropriety."

30 araw na suspendido ang hukom dahil sa reklamong less grave offense of sexual harassment. Pinagmumulta rin siya ng P50,000 dahil sa “simple misconduct and conduct unbecoming of a judge.” 

'The Judiciary Walks with Pride'

Nito lamang Hunyo nang inorganisa ng Korte Suprema ang "The Judiciary Walks with Pride,” isang event na ginawa bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pride Month.

Sa isang mensahe ni Chief Justice Alexander Gesmundo, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay kalayaan sa lahat ng tao.

"The Constitution guarantees that no person should be deprived of liberty and denied the equal protection of the  laws…The Constitution is a covenant that any person is assured of due process  and equal protection, without distinction, without discrimination,” wika niya.

“I believe that  these constitutional provisions arise from the basic premise that we are all human  beings, each entitled to respect and a life lived with dignity,” sambit niya pa habang binibigyang-diin ang importansya ng pagkakaiba-iba: "[S]trive for inclusivity, with a reminder that “the Court will never condone intolerance and bigotry.”  — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BISEXUAL

GAY

LESBIAN

SUPREME COURT

TRANSGENDER

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with