^

Bansa

Karapatan ng mangingisda sa Panatag Shoal, apela kay Pangulong Marcos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang mga mangingisda sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na titiyakin nito ang karapatan ng mga mangingisda sa pinag-aawayang Panatag Shoal.

Ayon kay PAMALAKAYA vice chair for Luzon Bobby Roldan, isa sa mga paraan upang matiyak ang karapatan ng mga mangingisda ay ang pagpapatanggal sa China ng lahat ng kanilang mga puwersa at pag-aalis ng military facility sa paligid ng Panatag Shoal.

Sinabi ni Roldan na hindi na umano kaya ng PAMALAKAYA ang panibagong anim na taon na hirap at kontrol ng China kapalit ang sinasabing economic partnership.

Matatandaang kinasuhan ng Pilipinas ang China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2013 kung saan pinaboran ang Pilipinas noong 2016 at ibinasura ang claim ng China sa South China Sea.

Pinaboran din ng korte ang Pilipinas na sakop nito ang Panganiban (Mischief) Reef, Ayungin (Second Thomas) Shoal, at Recto (Reed) Bank na nasa Philippines’ EEZ.

Itinakda rin ang Panatag Shoal na common fishing ground at pinagbawalan ang China na gipitin o iharass ang mga mangingisdang Pinoy.

vuukle comment

PANATAG SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with