^

Bansa

Imee, agaw-pansin ang Filipiniana gown

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imee, agaw-pansin ang Filipiniana gown
Suot ng senadora ang isang kulay asul na Filipi­niana gown na pinalamutian ng mga accessories.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Agaw-pansin ang suot ni Sen. Imee Marcos sa inauguration ceremony ng kanyang kapatid na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Suot ng senadora ang isang kulay asul na Filipi­niana gown na pinalamutian ng mga accessories.

Sa official Instagram ni Sen. Imee, sinabi nito na ang kanyang accessories ay restored lockets, chains at pendants na regalo sa kanya ng yumaong ama at dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Habang ang kanyang gown ay dinisenyo mismo ng senadora at ginawa ni Rem Divino.

Ang face mask naman ni Imee ay mayroon din gold na disenyo na tumerno sa kanyang gown.

Nabatid naman na ang suot ni Pangulong Marcos ay rayadillo-inspired Barong Tagalog na dinisenyo ng multi-awarded designer na si Pepito Albert para sa kanyang inauguration.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with