^

Bansa

Ex-Rep. Andaya, natagpuang patay!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang patay kahapon ng umaga sa kanyang kuwarto si dating Camarines Sur 4th District Rep. Atty. Rolando “No­noy” Andaya, sa Naga City.

Sa report ng Naga City Police Office, nadiskubre ang katawan ni Andaya, 53, sa kanyang bahay sa Avocado corner Pomelo Sts. St. Jude Orchard, Con Grande, Naga City.

Batay sa pahayag ng kanyang personal assistant na si John Mark Patrick Señar, nakarinig siya ng putok ng baril at pagpasok niya sa loob ng kwarto ni Andaya ay tumambad ang duguang bangkay nito.

Lumilitaw na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng kaniyang ulo ang biktima.

Si Andaya ay 18 taong naging kongresista ng unang distrito ng Camarines Sur at naging Budget secretary noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Noong nakaraang taon ay namatay sa kanser ang butihin nitong asawa na si Cong. Marissa Andaya na pumalit sa kanya bilang kongresista sa kanilang distrito.

Natalo siya nitong nakaraang eleksyon ni Luigi Villafuerte bilang gobernador ng kanilang lalawigan.

Bago ang May 2022 national elections ay pinalutang ni Andaya ang tambalang Sara Duterte at Gilberto Teodoro bilang presidential at vice presidential candidate na ayon dito ay ‘team to beat’ pero hindi ito naisakatuparan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente. - Jorge Hallare, Joy Cantos

vuukle comment

CAMARINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with