Pope Francis binati si Marcos
MANILA, Philippines — Binati ng lider ng simbahang Katoliko na si Pope Francis si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang nakatakdang pag-upo bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ngayong Hunyo 30.
Sa mensahe ng Santo Papa na ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ipinaabot ng Kanyang Kabanalan ang taus-pusong pagbati sa bagong halal na pangulo ng bansa.
“I send my congratulations and cordial wishes to Your Excellency as you begin your mandate as the President of the Republic,” bahagi pa ng mensahe ni Pope Francis, na naisapubliko lang nitong Miyerkules.
Idinadalangin din ng Santo Papa ang katatagan ni President-elect Marcos Jr. sa pamumuno sa Pilipinas na may mahigit 100 milyong mamamayan.
“In assuring you of my prayers that you will be sustained in wisdom and strength, I invoke Almighty God’s blessings of peace and prosperity upon the nation,” dagdag pa ng Santo Papa.
- Latest