^

Bansa

63 kaso ng Omicron subvariants, naitala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala pa ang Pilipinas ng 63 karagdagang bagong kaso ng mas nakahahawang subvariants ng Omicron base sa pinakahuling genome sequecing.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa naturang bilang, 50 ang BA.5 cases; dalawa ang BA.4 at 11 ang BA2.12.1 cases.

Umaabot na ngayon sa 93 ang kabuuang BA.5 subvariant cases sa bansa makaraang madagdag ang 50 bagong kaso.

Kabilang dito ang 38 mula sa Western Visayas, lima sa National Capital Region (NCR), at pito ang returning overseas Filipinos (ROFs).

Gumaling na ang 41 sa kanila, apat ang kasalukuyan pang naka-isolate, habang inaalam pa ang status ng lima pang pasyente.

Sa dalawang bagong BA.4 cases, isa sa Western Visayas at isa ang ROF.  Kapwa nakarekober na sila.

Sa 11 BA2.12.1 subvariant, 10 na ang nakarekober at isa ay under isolation. Ang pito ay mula sa Western Visayas at apat ay pawang ROFs.

Bunsod ng mga bagong kaso, ang kabuuang bilang ng BA.2.12.1 cases sa bansa ?ay 43 na.

vuukle comment

OMICRON SUBVARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with