^

Bansa

Solons dismayado sa Senate report vs ‘agri smugglers’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado si Sen. Nancy Binay sa pagkakasama ng pangalan ni Navotas Mayor Toby ­Tiangco sa committee report ng Senado na umano’y resulta ng ‘failure of intelligence’.

Ayon kay Binay, napaka-imposible na makasama at hindi maaaring maging protektor si Tiangco ng mga smuggler dahil personal niya itong kilala at aktibo rin ang alkalde sa paglaban sa pagpuslit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga imported na produkto, sa mga nangyayaring milagro doon sa mga entry points sa Navotas.

Si Tiangco rin umano ang sumulat sa Department of Agriculture para i-report ang smuggling su­balit dedma umano ang DA.

Para naman kay Sen. Joel Villanueva, dapat bigyang linaw ng NICA ang basehan ng kanilang listahan na napakahilaw.

Tanong pa ni Villanueva, nasaan ang mga facts na susuporta sa kanilang report, paano nila nabuo ang nasabing listahan at paano nila na-validate ang isang pahinang bond paper matrix na walang kahit anong paliwanag.

Sa pahayag naman ni Atty. Yasser Abbas, mariin niyang pinabulaanan na isa siya sa mga opisyal na smugglers ng mga agricultural products dahil ang kanyang functions bilang Director ng Import and Assessment Service ng Bureau of Customs ay hindi sangkot sa anumang proseso, clearance o pagre-release ng agricultural products.

Ang kanyang tungkulin din umano sa kanyang tanggapan ay hindi siya pinapayagan na impluwensyahan o mag-faci­litate sa pagproseso ng agricultural products para payagan ang smuggling.

Hindi rin umano siya inimbitahan sa hearing ng Senado kaugnay sa smuggling ng mga produktong agrikultura o nabigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang anumang alegasyon laban sa kanya.

Sa katunayan ay hindi rin umano nabanggit ang pangalan ni Abbas sa hearing sa Senado tungkol sa agricultural smuggling.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with