^

Bansa

Ayuda sa middle class, kinontra ni Tulfo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing tinutulan ni Senator-elect Raffy Tulfo ang panawagan sa gobyerno na bigyan ng ayuda ang middle class sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at mga panguna­hing bilihin.

Ayon kay Tulfo, kaila­ngang pag-aralan muna ang pagbibigay ng tulong sa middle class, habang yes na yes naman para sa mga mahihirap.

Paliwanag pa niya, kaya namang pasanin ng mga middle class ang epek­to ng inflation dahil mas mataas naman ang suweldo ng mga ito kumpara sa mga ordinaryong manggagawa.

Sa kasalukuyan, uma­abot umano sa 8 milyong Filipino na ang tumatanggap ng minimum na suweldo kaya dapat lang na sila ang unahing tulungan ng gobyerno.

Sinabi pa ni Tulfo, na susunod na chairman ng Senate committee on labor sa papasok na 19th Congress, maghahain siya ng panukala na reresolba sa problema ng wage theft.

Ito ay dahil sa loob umano ng 20 taon ay lagi siyang nakakatanggap ng mga reklamo mula sa mga manggagawa na dinudugasan o iniisahan ng kanilang mga emplo­yers na hindi mga nakatatanggap ng tamang suweldo, habang ang iba ay minamaltrato pa at napapagkaitan ng required minimum wage at mga benepisyo sa kabila ng umiiral na batas para dito.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with