^

Bansa

Mandatory ROTC, muling ihahain sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa ang pagsusulong ni Vice-President Sara Duterte na gawing muling mandatory ang Reserve Officer Training Corp (ROTC).

Sinabi ni dela Rosa na kailangan ito para manumbalik ang disiplina, nationalism at pagmamahal sa bansa ng mga kabataan na umano’y nabago ng gawing opsyonal ang ROTC.

Bukod dito, dapat din umano na maging handa ang mga kabataan na sumuporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil lagi nang nahaharap ang bansa sa banta at panganib dahil sa mga bansang gustong umagaw sa West Philippine Sea (WPS).

Dahil dito kaya ihahain muli ng senador sa papasok na 19th Congress ang kanyang panukalang batas para sa mandatory ROTC sa Grade 11 at Grade 12 para sa pribado at pampublikong paaralan.

Sa pagtaya ni dela Rosa, maagang pinaiingay ng mga makakaliwang grupo ang pagtutol sa mandatory ROTC dahil ayaw nilang magkaroon ng malakas na puwersa ang pamahalaan dahil gusto umano nilang pabagsakin ang gobyerno.

vuukle comment

ROTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with