^

Bansa

Airlines magpapataw ng fuel surcharge simula Hulyo 1

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Airlines magpapataw ng fuel surcharge simula Hulyo 1
Inihalimbawa ni CAB Hearing Examiners Division Chief Atty. Blem Moro sa Laging Handa public briefing, ang biyahe ng eroplano mula Manila patungong Cebu na magkakaroon ng dagdag na singil na P706.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpataw ng fuel surcharge ang Civil Aeronautics Board (CAB) simula Hulyo 1, 2022  na aabot sa P355.00 hanggang P1,038.00 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng jet fuel sa world market.

Inihalimbawa ni CAB Hearing Examiners Division Chief Atty. Blem Moro sa Laging Handa public briefing, ang biyahe ng eroplano mula Manila patungong Cebu na magkakaroon ng dagdag na singil na P706.

“Many airlines, especially our local airlines, have applied surcharges, including Cebu Pacific and Philippine Airlines, as well as foreign carriers,” ani Moro.

Paliwanag ni Moro, ang surcharges na ibabatay sa layo ng biyahe ay applicable sa domestic at international flights.

Sinabi ni Moro na binago ng CAB ang surcharge matrix nito kasunod ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market noong nakaraang taon.

Sa pagsusuri ng matrix noong Abril at Mayo, ang presyo ng gasolina ay nasa $155 kada bariles, kung saan ang Philippine peso-US dollar exchange rate ay nasa P52:$1.

Gayunpaman, ang base fare naman aniya ay hindi gumagalaw habang ang mga airline company ay patuloy pa naman sa kanilang alok na promosyon at murang pamasahe.

“’Yun lamang po nai­daragdag ang ating mga fuel surcharge, depende po ito sa galaw din ng merkado at kung magkano ang nagiging presyo ng fuel sa pandaigdigang pamilihan,” aniya pa.

vuukle comment

AIRLINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with