^

Bansa

‘Mga proyektong nagpasaya sa Pinoy ‘wag kalimutan’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Mga proyektong nagpasaya sa Pinoy �wag kalimutan�
Nagbigay ng kanyang mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga benepisyaryo sa ginanap na ceremonial awarding ng Madayaw Residences Units sa Kadayawan Homes sa Bangkal, Davao City kahapon.
Arman Baylon/Presidential Photo

Duterte sa BBM admin

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga proyektong nagpapasaya sa mga Pilipino.

“Sana ay ipagpatuloy din ng susunod na ad­ministrasyon ang mga bagay na makapagpapasaya sa ating mga mamamayan. Although not all but may see sila that we are doing something with the money of the people,” ani Duterte sa kanyang talumpati noong Huwebes sa paggawad ng Madayaw Residences units sa Central Park, Bangkal, Talomo District sa Davao City.

Sinabi ni Duterte na ang mga housing unit na iginawad sa mga manggagawa ng estado, overseas Filipino workers at uniformed personnel kasama ng iba pang mga benepisyaryo, ay nagpapakita na ang pera ng gobyerno ay gumagana para sa mga tao.

“Ang programang low-cost housing ay ang pa­raan natin ng pagbabalik sa masisipag na unipormadong tauhan at mga lingkod-bayan. Ibig kong sabihin bumabawi lang rin ang gobyerno sa sakri­pisyo ninyo,” ani Duterte.

Muling binanggit ni Duterte ang 23 taong karanasan bilang mayor at alam niya ang mga programang dapat ibigay sa mga mamamayan.

“Kaya alam ko kasi matagal akong mayor, 23 years, so nakapako na lahat ang — lahat, lahat ng sektor nakapako na. And these are the things that we would like to continue sana but hindi ko na panahon,” ani Duterte.

Nanawagan din si Duterte sa National Housing Authority na paigtingin ang mandato nito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with